Palpak na transport strike ikinatuwa ng Malakanyang

PINASALAMATAN ng Malakanyang ang Pasang Masda, FEJODAP, ACTO, Cebu Integrated Transport Services Cooperative (Citrasco) at iba pang mga transport group na hindi sumali sa “transport caravan” ng ilang panig.

Pinasalamatan din ng Malakanyang ang MMDA sa maagang paghahanda upang mabawasan ang perwisyo sa mga mananakay na nais lamang makarating nang matiwasay sa kanilang patutunguhan.

“Patuloy po kaming nananawagan sa lahat na iwasan po sana natin ang mga kilos na inilalayo tayo sa makabuluhang diskurso, at nagdudulot lamang ng perhuwisyo sa publiko. Hindi lang po perhuwisyo, kundi panganib din, ang naidudulot ng paglalagay ng pako at spikes sa ating mga kalsada,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Tiniyak ng opisyal na makaaasa ang mga mananakay at transport unions na patuloy nating isasagawa ang mga hakbang na napagkasunduan sa mga dayalogo noong nakaraang taon.

Niresbakan din ng Malakanyang ang paggamit ng grupong PISTON sa isinagawang transport strike para maisakatuparan ang kanilang political propaganda.

Nakapagtataka anila na wala palang petition ang Piston sa LTRFB para itaas ang singil sa pamasahe subalit nangunguna sila sa pag-iingay sa kalsada.

Aniya, sa naging pulong noon sa Malakanyang ay usapin sa kotong at hindi presyo ng langis ang inireklamo ng grupo nina George San Mateo.

Minaliit din ng Palasyo ang ginawang tigil-pasada ng Piston dahil wala naman masyadong nakisaling tsuper at operators.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply