Pamamaril sa M’cañang reporter pinatututukan

INIUTOS na ngayon ng Malakanyang ang masusing imbestigasyon sa pamamaril sa isang Malacanang reporter sa Pasig City.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na siya mismo ang tumawag kay PNP spokesman Agrimero Cruz para tiyakin ang masusing imbestigasyon.

Ayon kay Valte, maging si Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay nakipag-ugnayan na rin kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

“Yes. I called PNP Spokesperson Agrimero Cruz to make sure a thorough investigation is done, and PS Lacierda spoke to Sec. Robredo also,” ani Valte.

Kagabi (Linggo, Marso 11), binaril ang biktima na si Fernan Angeles, senior reporter ng Daily Tribune at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling kritikal sa Pasig City Hospital matapos magtamo ng anim na tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bukod pa rito, binali din ang buto sa kanang kamay ang biktima na isang senyales na ang may pakana ng krimen ay may malaking galit sa mga isinusulat na expose ni Angeles.

Kinondena naman agad ni National Press Club (NPC) president Jerry Yap ang pamamaril kay Angeles at tahasang sinabi na ito ay isang klase ng paninikil sa Freedom of the Press.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Yap na ito rin ang kauna-unahang insidente ng pananakit sa miyembro ng Fourth Estate sa Metro Manila na maaaring maging susi pra masundan pa ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply