Pamangkin ng MNLF cdr. utas sa bakbakan

PATAY ang isang pamangkin ng MNLF commander sa naganap na pagsalakay sa Maguindanao, kagabi.

Kinilala ang namatay na si Aka Mama, pamangkin ni MNLF Commander Datu Itar.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto – pinasok ng tinatayang 20 armadong kalalakihan Ang Sitio Damalibi, Barangay Poblacion 2, Shariff Aguak, Maguindanao.

Walang habas umanong nagpaputok ang naturang grupo sa mga kabahayan ikinamatay ng nabanggit.

Agad namang tumakas ang mga rebelde nang dumating ang pwersa ng 1st mechanized infantry light armor brigade ng Philippine Army.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply