Pambu-bully nina PNoy at SB ikinabahala ng CBCP

NABABAHALA ngayon ang mga lider ng Simbahang Katolika sa nabunyag na umano’y pambu-bully nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at House Speaker Feliciano Belmonte sa mga kongresista.

Dahil dito, nagbabala si Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at CBCP-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Father Melvin Castro, sa liderato ni House Speaker Belmonte na huwag gawin sa RH Bill ang ginawang pagmaniobra sa impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Archbishop Cruz, bagama’t hindi pa niya nakikita na hahantong ang RH Bill sa ganoong sitwasyon ay nangangamba siya sa “pattern” o “old boys club mentality” sa Kamara.

Ani Cruz, posibleng magkagulo kapag ipinasa ng Kamara ang naturang panukalang batas ng ura-urada o walang malawak na debate o pagpapaliwanagan.

Naunang inihayag ni Fr. Castro na nangangamba sila sa kahihinatnan ng RH bill dahil sa mabilis na desisyon ng Kamara sa impeachment case laban sa punong mahistrado. Ito aniya ay indikasyon na hawak ng Malakanyang ang Kamara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply