Pamilya ni Nadia Montenegro tinutukan ng baril sa EDSA

NA-TRAUMA ang pamilya ni Nadia Montenegro, matapos silang tutukan ng baril ng mga lalaking nakauniporme na pang-sekyu, sakay ng isang armored van habang binabaybay ng mga ito ang EDSA.

Kuwento ng anak ni Nadia na si Ynna, sakay sila ng kanilang sasakyan na minamaneho ng kapatid ni Nadia na si Tania nang gitgitin sila ng armored van sa tapat ng Nepa Q Mart sa southbound lane.

Nang makadikitan nila ang sasakyan ay basta na lamang silang tinutukan ng shot gun ng security guard na sakay ng armored van.

Nabatid na pag-aari ng PS Bank ang nasabing armored van na ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply