Panadero hinataw ng tubo sa ulo, dedo

TODAS ang isang panadero ng hatawin sa ulo ng kanyang kanyang kasamahan sa trabaho habang nag-iinuman sa Caloocan City, kagabi (Marso 11).

Dead-on-the-spot sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Emmanuel Panay, 31, binata, tubong Cebu at stay-in baker ng Gumapac Bakery sa Phase 7-A, Package 9, Blk. 62, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Jonathan Biclat, 36, may-asawa, kasamahan sa trabaho ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nakitang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng naturang bakery.

Isang kapitbahay na si Petronillo de Torres ang kumatok sa bakery at tinatawag ang pangalan nina Panay at Biclat subalit walang sumasagot na naging dahilan upang sapilitang buksan ang pinto

Dito, natuklasang nakabulagta sa sahig at naliligo sa sariling dugo ang biktima.

Nakita sa tabi ng biktima ang isang tubo na sinasabing ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply