Pananakot kay Rep Tiangco itinanggi ni Rep. Gonzales

TAHASANG pinabulaanan ni House Majority Floorleader Neptali Gonzales Jr. na may pananakot ngayon mula sa liderato ng Kamara kay Navotas Rep. Toby Tiangco.

Si Tiangco ay nakatakdang tumestigo ngayong hapon sa impeachment trial court kaugnay sa kanyang privilege speech na tinakot diumano ng liderato ng Kamara ang mga kongresista na kung hindi pipirma sa articles of impeachment ay hindi makukuha ang kanilang pork barrel.

Paglilinaw pa ni Gonzales na pinayuhan niya lamang si Tiangco na maghinay-hinay sa mga sasabihin sa impeachment court subalit walang “threat” o pananakot na ginagawa ang prosekusyon.

Ayon kay Gonzales, anuman ang sasabihin ni Tiangco sa paglilitis ay maaari itong mag-“boomerang” o bumalik sa kanya dahil posibleng may labagin itong tuntunin ng Kongreso.

Sinabi pa ni Gonzales na hindi nga niya nakakausap si Tiangco kaya’t hindi malaman kung bakit sinasabi nitong tinatakot siya.

Ipinaliwanag ni Gonzales na hindi maaaring isapubliko ni Tiangco ang anumang napag-usapan sa caucus lalo’t itinuturing na isa itong executive meeting at mahigpit ang paglalantad nito sa publiko.

Aniya hindi pananakot ang babala ng prosekusyon na posible itong mapasipa sa institusyong kanyang kinabibilangan kundi isa pa nga itong “friendly reminder” dahil concern sila sa future ni Tiangco sa Kongreso.

Iginiit din ni Gonzales na posibleng nagpapasikat lamang si Tiangco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply