Pangongotong ng Airport Customs officials nabuko

NABUKO ang pang-aabuso ng Airport Customs officials sa pangongolekta ng Customs Immigration Quarantine (CIQ) fees mula sa mga international airline.

Ayon sa Board of Airline Representatives (BAR), isang organisasyon ng mga executive ng international airlines sa bansa, nagbabayad ang mga ito ng CIQ para sa umano’y overtime services ng Customs simula noong 1990s.

Bukod sa CIQ, nangongolekta rin ang Custom officials ng meal at transportation allowances mula sa mga airline company.

Ipinaliwanag din ng BAR na ang CIQ ay sinisingil sa bawat flight kaya kung may apat na papasok na flight sa isang oras ay ipapatong ang singil nito ng apat na beses.

Inihinto ng BAR ang pagbabayad sa CIQ noong 2009 nang makwestyon sa korte ang naturang koleksyon subalit umabot na rin anila sa P200 milyon check payment para lamang sa collector ng Customs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply