Pangunahing lansangan sa Iloilo City binaha kagabi

BINAHA ang ilang pangunahing lansangan sa Iloilo City dahil sa biglang pagbuhos ng ulan kagabi (Marso 26).

Una rito, maganda at maaraw ang panahon kahapon sa nasabing lungsod ngunit pagsapit ng alas-9:00 kagabi ay biglang bumuhos ang ulan dahilan para bumaha sa lugar.

Dahil dito, maraming pauwing pasahero ang naistranded sa daan nang tumigil sa pagpasada ang ilang dyip sa pangambang pasukin ng tubig-baha ang makina ng kanilang mga sasakyan.

Ayon sa ulat, marami ring establisimyento ang nagsara at nag-evacuate, lalo na sa Lazar matapos umapaw sa gutter ang tubig at pasukin ang kanilang tindahan.

Kaninang madaling araw, humupa na ang baha sa lungsod nang tumigil ang ulan.

Balik na rin sa normal ang daloy ng trapiko.

Nabatid na ang baha sa Iloilo City ay normal lamang kapag umuulan kahit na walang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply