Pantawid Pasada Program ipinatitigil

PINAYUHAN ni House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang administrasyong Aquino na itigil na ang mga subsidiyang ginagawa ng gobyerno na hindi naman tunay na nakatutulong sa taumbayan.

Aniya, kasabay ng walang humpay na pagtaas ng produktong petrolyo ay patuloy na inirereklamo ng mga namamasada at mga tsuper ang Pantawid Pasada Program (PPP) ng pamahalaan na tila nagpabigat pa sa kanila.

Sinabi pa ni Magsaysay, na malaking problema pa rin hanggang ngayon ang kawalang bisa at maayos na implementasyon sa nasabing programa.

Mas makabubuti aniya kung gagamitin ang pondo na pangsubsidiya sa mas konkretong plano gaya ng alternatibong pagkukunan ng langis upang hindi dumipende ang bansa sa Gitnang Silangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply