Pantay-pantay na pamamahagi ng buwis sa LGUs isinulong

ISINULONG ni Senador Francis Escudero ang panukalang pantay-pantay na pamamahagi ng buwis na magbibigay ng 100% tax share sa local government units mula sa lahat ng kitang nanggaling sa sentro ng kalakalan.

Nakapaloob sa inihain na panukala ni Escudero, ang Senate Bill No. 105 o ang Rationalizing Local Taxation Act na alisin ang kasalukuyang 30% share ng LGU kung nakabase ang sentro ng negosyo.

Nais ng panukala ni Escudero na ilagay ang sales allocation sa mga sumusunod: 30% ng buong kita sa principal office ang bubuwisan ng lungsod o munisipyo na nasasakupan nito at 70% naman na kabuuang kita ang bubuwisan ng lungsod o munisipyo na kung saan nakabase ang kanilang factory, project office o plantasyon

Aniya, nakasaad sa Section 150 ng Local Government Code of 1991 na “all sales made in a locality where there is a branch or sales office or warehouse should be recorded in said branch or sales office or warehouse and the local business tax due should be paid to the city or municipality where the same is located.”

Nilinaw ni Escudero na ang naturang rule of taxation ang isa sa pinagkakaguluhan ng ilang local government units lalo na’t karamihan ng sentro ng negosyo ay nakatayo sa mayayamang lungsod sa Metro Manila.

Binigyang diin ni Escudero na sa ilalim ng saligang batas ay may mandato ang LGUs na kumita nang sarili.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply