Panukala sa impeachment inihain sa Kamara

NAGHAIN na ng panukalang batas sa Kamara upang maibsan ang pagtatalo-talo ukol sa rules na dapat ipatupad sa panahon ng impeachment trial.

Bunsod ng sanga-sangang argumento sa paglilitis ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona ay isinulong ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang pagtatakda ng malinaw na grounds sa isang impeachment trial na magagamit para sa hinaharap.

Nakapaloob sa House Bill 5969 o mas kilala sa Impeachment Act of 2012 ang paglilinaw at pagtuturing sa batayan o grounds sa isang impeachment complaint na nakapaloob sa 1987 constitution.

Ang nasabing panukalang batas ay ini-refer na ng liderato ng Kamara sa House Committee on Justice.

Giit ni Biazon na sa kasaysayan ng bansa ay meron nang tatlong pagkakataon na nasangkot ang mga naging dating presidente ng bansa kabilang sina dating Pangulong Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos.

Samantalang naisalang naman sa impeachment proceedings si dating pangulong Joseph Estrada at si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ilang beses inireklamo sa Kamara subalit hindi kailanman naiakyat sa Senado.

Sinabi ni Biazon na dahil sa walang malinaw na grounds ang pagdinig sa isang impeachment case ay malaki aniya ang epekto ng partisan o kampihan sa pulitika na nakakasagabal sa tunay na proseso ng impeachment trial.

Sa ngayon ay nililitis si CJ Corona matapos maghain ng impeachment complaint ang mga kaalyado ng administrasyong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply