Papalit sa mga namatay na prosecutor sa Maguindanao Massacre case, tatalakayin

NAKATAKDANG talakayin ng prosecution team sa Maguindanao Massacre case ang papalit sa ilang taga-usig na hindi inaasahang namatay kamakailan lang.

Ayon kay private prosecutor Atty. Nena Santos, abogado ng mga kaanak ng mga biktima sa Maguindanao Massacre, na hindi makaaapekto ang pagkamatay ng ilang mga government prosecutor sa pagkamit ng hustisya sa karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Santos, agad namang magtatalaga si Justice Sec. Leila de Lima ng papalit sa mga prosecutor ng gobyerno na namatay dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Nitong nakalipas na araw ay namatay si State Prosecutor Nestor Lazaro dahil sa heart attack habang una na ring namatay noong Nobyembre 2010 si Sr. Prosecutor Leo Dacera III matapos ding inatake sa puso.

Ngayong araw ay magpupulong ang prosecution team para sa natitirang listahan ng mga testigong ipi-presinta para sa mahigit 50 akusado na naghain ng petition for bail sa Quezon City RTC Branch 221. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply