Parak, 4 pa nalambat sa buy bust

SWAK sa kulungan ang lima katao kabilang ang isang pulis sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa magkapatid na umano’y kilalang drug pushers sa Carmen, Cagayan de Oro.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 10, sa ilalim ni Director Roberto Opeña ang mga suspek na sina Roland “Lando” Villacorta, 33, at Celso M. Fuerzas, 45, matapos umanong pagbilhan ng shabu ang poseur buyer ng PDEA nitong Martes (Marso 6).

“This happened while our agents were inside their vehicle parked along Vamenta Boulevard [in Carmen, Cagayan de Oro City] waiting for the pre-arranged signal to arrest original targets,”ayon kay Gutierrez, matapos madakip sa aktong nagbebenta ang dalawa ng umano’y droga.

Samantala, nadakip ng PDEA agent ang original target na Dabatian brothers, na kilala na sina Delbert, alias “Dave,” 37 at Noli, alias “Kokoy,” 36, makaraang umanong pagbilhan ng droga ang operatiba na isang poseur-buyer.

Makalipas ang kalahating oras nagsagawa ng follow-up operation ang PDEA agents para maaresto ang supplier ni Villacorta at Fuerza.

Nadakip ng mga operatiba si PO1 Aliakbar S. Dimaampao makaraang umanong pagbilhan ng droga ang isang poseur-buyer ng PDEA.

Si Dimaampao ay nakatalaga sa Cagayan de Oro City Police Station 6.

Pansamantalang nakapiit ang mga nadakip na suspek sa PDEA RO10 detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply