Parak binoga sa sayawan, patay

NASAWI ang bagitong pulis makaraang barilin ng isang lalaki sa loob ng sayawan sa Barangay Sinabsaban, Cuartero, Capiz.

Dead on arrival sa Bailan District Hospital sa Pontevedra, Capiz si P01 Arnel Dellava, 31, nakadestino sa Tapaz PNP at residente ng Barangay Salgan, Maayon, Capiz makaraang barilin ng suspek na si Edmundo Denosta gamit ang 12-gauge shotgun.

Sa imbestigasyon ng Cuartero PNP, napag-alaman na nasa loob ng sayawan ang biktima kasama ang punong barangay na si Kapitan Ernie Dichosa nang biglang pumasok ang suspek at agad na tinutukan sa tiyan ang biktima at pinaputukan.

Agad namang nakatakas ni Denosta dala ang shotgun matapos ang pamamaril ngunit ilang oras lang ang nakalipas, nakita ng ilang mga residente ang naturang armas sa damuhan at agad na isinuko sa kapitan.

Blangko pa ang awtoridad sa motibo sa naturang krimen habang patuloy pang pinaghahanap ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply