Pasay Mayor Antonio Calixto, 15 pa kinasuhan sa Ombudsman

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Ombudsman sina Pasay City Mayor Antonino Calixto at Vice Mayor Marlon Pesebre kasama ang 14 na konsehal ng siyudad.

Ang reklamo ay inihain sa Ombudsman ni Pamela Ann Paredes-Bautista, kaugnay sa maanomalyang paglalabas ng kontrata para sa pagpapaupa ng Pasay City Mall sa Widescope Property Management Corporation (Victory Mall).

Sinabi ni Bautista na bukod sa minadali at hindi dumaan sa public bidding ang naturang kontrata ay lugi rin aniya ang lokal na pamahalaan sa kontrata.

Kumikita ng mahigit kumulang P2 bilyon kada buwan ang pamahalaan para sa renta ng mall subalit sa ilalim ng kontrata sa Widescope ay kumikita lamang ito ng P900,000 kada buwan sa loob ng 15 taon.

Ito na ang ikalawang reklamong anti-graft ni Mayor Calixto at 15 pang opisyal sa Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply