Abalos pinayagang magpatingin sa doktor

NAKAHINGA ng maluwag si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. nang katigan ni Pasay City Regional Tria Court (RTC) ang motion na makapagpatingin ito sa doktor para masuri ang kanyang karamdaman.

Sa inihaing motion ng abogado ni Abalos na si Atty. Brigido Dulay, sinang-ayunan ni Pasay City RTC branch 117 Judge Eugenio dela Cruz na pansamantalang makalabas ng kulungan sa Southern Police District (SPD) detention cell si Abalos para makapagpatingin sa kanyang karamdaman.

Samantala, mariin naman kinuwestiyon ng kampo ni Abalos ang hurisdiksyon ng Pasay City Regional Trial Court na dinggin ang kasong 11 counts of electoral sabotage na isinampa ng Comelec.

Kaugnay nito, iginiit ni dela Cruz na may kapangyarihan ang mababang korte para duminig na kinakaharap na kaso ng dating Comelec chairman.

Dahil dito, agad namang isinagawa ang pagbasa ng sakdal kay Abalos pero hindi na ito naghain ng plea at sinabi ni Dulay na nirereserba nila ang pagpi-plea at maghahain pa rin sila ng motion for reconsideration sa korte.

Binasa pa rin ng court interpreter ang impormasyon kay Abalos at kay dating South Cotobato provincial election supervisor Lilian Radam na may kahalintulad na kaso sa conspiracy sa pagkukutsabahan ng dalawa sa nangyaring eleksyon sa Davao City na nagkaroon ng 12-0 votes pabor sa senatorial slate ng dating administrasyon.

Nagpahayag naman si Radam ng not guilty plea kaugnay sa kinakaharap na kaso.

Muling itinakda ni dela Cruz ang susunod na pagdinig ng usapin sa Marso 28 para resolbahin naman ang motion to bail na inihain ni Abalos. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply