Paslit na ginahasa, isinilid sa sako sa Quezon

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay ang limang taong gulang na bataang babae na nakitang nakasilid sa sako nitong Linggo ng umaga sa Quezon, ayon sa pulisya,

Sa ulat na ipinarating sa Camp crame, hiniling na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ni Dimples Damuel.

Ito ay dahil bukod sa saksak na nakita ay hubo’t hubad na ito nang matagpuan sa loob ng sako habang nakabitin sa puno ng bakawan sa Sitio Kaingin, Barangay Bignay Dos, Sariaya, nabanggit na lalawigan.

Ayon kay P/Supt. Vilmor Manzano, hepe ng Sariaya Police Office, nakita ang damit ng bata pitong metro ang layo sa lugar kung saan nakita ang bangkay.

Ayon pa kay Manzano iniulat na nawawala ang biktima simula pa noong Sabado ng kanyang ina.

Isang kamag-anak ang itinuturing na pangunahing suspek sa krimen dahil ito umano ang huling nakitang kasama ng bata bago nawala.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply