11-anyos bagets nabundol ng patrol car, patay

PATAY 11-anyos na bata matapos mahagip ng rumaragasang patrol car ng Isabela Police Station kagabi sa Hinigaran, Negros Occidental.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Shelo Marie Jallorina, ng Sitio Linao, Brgy. Bato, Hinigaran dahil sa malubhang sugat na natamo ng pagbangga sa kanya ng sasakyan.

Ayon kay Hinigaran chief of police C/Insp. Nerito Lobrido, nangyari ang aksidente sa Brgy. Bato, Hinigaran alas-7:45 ng gabi matapos biglang tumawid sa daan ang biktima.

Hindi na nakapagpreno ang driver na si PO3 Emmanuel Trinidad kung kaya nabundol ang bata at tumama pa ang patrol car sa matigas na bahagi ng daan na nagresulta sa pagkasira nito.

Nagtamo naman ng malaking sugat ang nakasakay na si PO2 Irene Paco na confine sa isang pagamutan sa Bacolod City.

Samantala, minor injuries naman ang natamo ng kanilang hepe na si S/Insp. Jason Manguilimutan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply