Paslit nalunod sa beach sa Davao del Sur

PATAY na nang lumutang ang 4-anyos na bata matapos malunod sa isang beach resort sa Brgy. Mamacao, Sta. Maria Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si John Gabriel Malicon 4, ng Brgy. Mamacao, Sta. Maria Davao del Sur.

Sa imbestigasyon, naliligo ang mag-ina sa Camp Paraiso Beach Resort sa nasabing probinsya nang malingat ang ina at hindi nakita ang pagtaas ng alon dahilan ng pagkalunod ng bata.

Ilang oras muna bago natagpuan ang bangkay ng bata.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply