Paslit tinuklaw ng ahas habang umeebak

HINDI akalain ng isang paslit na ang tawag sa kanya ng kalikasan ang magdadala sa kanya sa hukay matapos tuklawin ng ahas habang dumudumi sa General Santos City nitong linggo ng hapon, Marso 19.

Namatay sa intensive care unit ng isang ospital sa lungsod sanhi ng kagat ng ahas sa binti si Angeline Lagrandante, 6, ng Purok Masagana, Barangay Baluan.

Ayon kay Baluan Barangay Kagawad Amanda Cargason, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa taniman ng sagingan na ilang metro lamang ang layo sa bahay nito.

Bago ang insidente, namamasyal ang biktima sa lugar nang makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Nang dumumi sa sagingan ay naapakan nito ang isang ahas na tumuklaw sa kanya.

Nagawa pang makauwi ng bata at nasabi sa ina ang nangyari kaya hinugasan agad ng tubig ang sugat nito.

Pero maya-maya lamang ay nagpaalam na ang bata na matutulog at hindi na nagising pa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply