Pasok sa eskwela sa San Juan bukas sinuspinde

IPRINOKLAMA na ng lungsod ng San Juan na walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas bukas, Marso 15.

Ito ay dahil na rin sa ikakasang tigil-pasada ng iba’t ibang transportation group dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina.

Ang nasabing suspensyon ay tanging epektibo lamang sa nasabing lungsod.

Ayon sa Department of Education, bukas bago mag-alas 10 ng umaga ay kanila nang ipapahayag kung may pasok o kakanselahin ang klase ng mga estudyante.

Sa panig naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tuloy naman ang implementasyon ng number coding scheme kung saan ang mga sasakyang nagtatapos ang plate numbers sa numerong 7 at 8, ay bawal dumaan sa mga major roads simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagama’t paiiralin nila ang maximum tolerance policy sa  protesters, hindi naman sila magdadalawang isip na ipagtabuyan ang mga hihiga sa kalsada o yaong magpa-planking.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply