Patay na sanggol iniwan sa Baclaran church

INIIMBESTIGAHAN na ng Parañaque City Police ang pag-iwan ng hindi pa nakilalang lalaki sa isang wala nang buhay na sanggol na babae sa compound ng Baclaran Church kagabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang deboto na nakilalang si Minda Historia ang nakakita sa isang lalaki na nakasuot ng shorts at basketball jersey na may bitbit na paper bag alas-11 ng gabi sa labas ng simbahan kung saan ay iniwan na lamang iyon sa isang bahagi ng compound.

Hinala ni Historia na sa wishing well ng naturang simbahan sana iiwanan ang paper bag ngunit nagmadali ito nang mapansin siya ng lalaki.

Nilapitan ni Historia ang naturang paper bag kung saan ay nadiskubre nitong patay na sanggol ang laman nito.

Pinangalanan pa ng posibleng magulang nito ang sanggol na “Dominique” base sa sulat na iniwan sa loob ng paper bag.  Nakasaad din sa sulat na: “Please bless my daughter, baby Dominique.  And do pray for her before she goes to her grave. I hope this will be kept confidential.  Thank you and God Bless.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply