Patay sa tipus sa Visayas region, 6 na

TINATAYANG anim katao na ang nasasawi sa typhoid fever outbreak sa Visayas region.

Matatandaang nabalitang may limang nadale ng ng naturang sakit mula sa Tuburan, Cebu at isa naman mula sa Ilolilo habang umakyat sa 800 kaso na ang positibong nagka-tipus sa Cebu.

Mahigit 200 kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Iloilo.

Sinasabing ang maruming tubig ang sanhi ng pagkakasakit ng mga residente kung kaya pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na uminom ng malinis na tubig para makaiwas sa sakit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply