Pati bandila’y binabalahura ng Mocha Girls?

NAKATSIKAHAN namin ang Mocha Girls sa MTV shoot nila para sa kanilang kantang “Pinay Ako” para sa latest nilang album sa Lensmate Studio sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Napag-usapan ang tungkol sa paggamit nila ng bandila ng Pilipinas bilang bahagi ng kanilang album.

Hindi ba sila natatakot na baka makasuhan sila or batikusin ng National Historical Commission?

“Yung aming concept kasi is being proud as a Filipina and siguro ang pinakamagandang simbolo nun e yung flag po ng Philippines.

“Kaya proud po kami na binabandera namin yung bandila natin and sa tingin ko kami yung modern Filipina, yun bang matapang open-minded, wise, tapos may sariling pag-iisip, iyan yung modern Filipina,” bungad ni Mocha Uson.

“Well wala naman kaming gustong i-offend dito sa gagawin namin. Gusto lang naming maging maganda yung music video, maging international ang dating niya and para maging international siya kailangan talagang gamitin yung simbolo, yung flag nating mga Pilipino and sa tingin ko magiging proud po yung mga kapwa Pilipino natin sa ibang bansa, na alam ninyo yun, proud kami as Filipinas bilang mga Pinay.”

Malamang makaranas sila ng pambabatikos dahil seksi ang image nila, sexy ang mga kasuotan nila, baka tirahin din sila ng mga moralista.

“Siguro ano wala namang masama sa pagiging sexy, e. Ibig lang sabihin nun e inaalagaan namin yung katawan namin, kumbaga iyon yung modern Filipina na inaalagaan niya ang sarili niya.”

Hindi ba nila maipu-promote ang pagiging Pilipina ng hindi gagamitin ang ating bandera? Baka kasi may mag-isip na nababastos ang ating Philippine flag?

“Hindi naman namin gustong bastusin yung flag. Kumbaga kaya lang kami nagmukhang sexy kasi nga pinangangalagaan namin yung katawan namin.

“Tapos yung flag kaya namin gagamitin yung Philippine flag kasi Pinay Ako ang title nito, kaya hindi kami gagamit ng Brazilian flag o kaya Chinese flag, Taiwanese flag. Kasi nga Pinay Ako, kaya Philippine flag ang gagamitin namin.”

Ang album nila ay produced ng Playboy Fragrances at Bell haus Entertainment.

Paano kapag ang isa sa mga tumutol ay si President Noynoy Aquino. Ano ang pagpapaliwanag na sasabihin nila kay PNoy?

“Sir PNoy, hello po! Hindi po namin gustong bastusin yung flag pero proud lang po kami na gamitin ito sa song namin na Pinay Ako to represent all the Filipinas around the world.

“Kasi open-minded na po ang mga Pinay ngayon, hindi po sunud-sunuran lang sa mga naririnig namin. Kami we represent the modern Pinay na matapang, may paninindigan at pinangangalagaan ang katawan namin kaya seksi pero honor para sa amin na magamit yung flag ng Pilipinas.”

Laman ng album nila ang mga kantang ng Pinay Ako, Eto Na, Yummy, Isa Pa Nga, Ipadarama, Kawawa, Palung-Palo, Isa Pa Nga (Christmas version) at ang kontrobersiyal ring kantang Hotdog na na-banned na sa mga radio stations dahil sa mga lyrics nitong may double meaning.

Magkakaroon ang Mocha Girls ng show sa March 3 sa Zirkoh Morato kasama sina Jennylyn Mercado, Rayver Cruz at Boobsie. Sa March 10 naman ay with Gerald Santos, Luningning with the Temptation Ladies, Saicy Aguila, Wonder Gays at Derrick Monasterio.

-o0o-

NAKATALI na talaga sa GMA-7 ang kanilang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Tinanong kasi siya kung sakaling alukin siya ng TV5 ng bonggang contract?

“Ang haba pa ng contract ko rito sa GMA,” sabay-tawa ng magandang aktres. “Magkakaanak na ako’t lahat-lahat, nandito pa rin ako,” at lalo itong napatawa. “Ano ba?,” sey niya na may serye ngayon na ‘My Beloved’ with Dingdong Dantes na siyang umeere ngayon sa Kapuso network.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply