Paumanhin ni Aguirre tinabla ni Miriam

LANTARAN ang pananabla ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang paghingi ng paumanhi ng isang abogado ng prosecution panel na nambastos sa impeachment court nitong kahapon (Pebrero 29) sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang tenga habang pinagagalitan ng mambabatas ang ilang kongresista.

Sa phone-patch interview nitong Huwebes, sinabi ni Santiago na hindi katanggap-tanggap ang paghingi ng paumanhin ni Aguirre kaya’t walang puwang na babawiin ng impeachment court ang pagsasakdal dito sa pamamagitan ng contempt.

“Kung mag-apologize man siya, the court will not withdraw, to find him in direct contempt, normally yan, kapag direct contempt yan, wala na siyang right to be heard, kasi direct contempt is summarily punish, wala nang notice, wala nang hearing,” ayon kay Santiago.

Sinabi ni Santiago na nagkakaisa ang lahat ng miyembro ng impeachment court na i-contempt si Aguirre na sinugundahan ni Sen. Pia Cayetano nang walang oposisyon.

“Hindi lamang ako ang kanyang binastos kundi ang buong impeachment court,” paliwanag ni Santiago.

Humingi ng paumanhin ang abogado kay Santiago saka nagbitiw na ito bilang isa sa private prosecutor ng Mababang Kapulungan sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

“He was very arrogant in proclaiming it, Aguirre was not contrite at all. At any rate and the apology will not make the Senate withdraw the contemp,” giit ni Santiago.

Ngayon, hinihintay na lamang kung anong parusa ang ipapataw ng impeachment court kay Aguirre na may parusang P2,000 multa at pagkakakulong mg sampung araw.

“Sang-ayon nga ako sa mungkahi ng makukulit na senador doon eh tulad nina Sen. Bong Revilla at sen. Jinggoy Estrada na ikulong si Aguirre sa isang holding room saka papanoorin sa telebisyon na walang ibang palabas kundi ang aking mga speeches,” ayon kay Santiago sabay tawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply