PCG Bicol inalerto sa Masbate quake

INATASAN na ngayon ni Philippine Coast Guard Officer In Charge, Commodore Lino Dabi ang Coast Guard District Bicol na maging alerto bunsod na rin ng naganap na paglindol sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Dabi, isinagawa ang kanyang derektiba dahil sa posibilidad na rin na magkaroon pa ng mga aftershock matapos ang malakas na pagyanig.

Bukod dito, pinaigting na rin ang pagmo-monitor sa karagatan malapit sa pinaglindolan sa posibleng pagtaas ng lebel ng dagat.

Inalerto na rin maging ang mga sasakyang pandagat at aircraft para sa posibleng deployment at pagsasagawa ng aerial survey

Giit pa ni Dabi na nakikipag-ugnayan na rin sila sa local government units (LGUs) para sa maaaring maitulong ng PCG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply