PCG nasa full alert status na

NASA full alert status na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga pantalan sa darating na Mahal na Araw.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa ipinaiiral na “Ligtas-Biyahe Kwaresma” ng Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa kaligtasan ng publiko sa kanilang biyahe.

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral Edmund Tan, ipapatupad din ng ahensya ngayon ang pagbuhay sa Public Assistance Center o PAC kung saan maaring lumapit at humingi ng tulong ang mga pasahero.

Ang pagpapaigting sa Mandatory Pre-Departure Inspection para maiwasan ang overcrowding at overloading sa mga barko.

Bukod dito, karagdagang K9 dogs at Coast Guard personnel din ang itatalaga sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa at pag-alerto sa mga PCG aircraft para sa posibleng deployment.

Gayundin, ipakakalat din ng PCG ang mga plain clothes-wearing Coast Guard personnel bukod pa sa regular na sea marshals na nakabantay sa mga pantalan at mga barko.

May 500 bagong tapos na tauhan ng PCG ang itatalaga sa mga pantalan at barko upang tumulong na magbantay sa ngayong Holy Week.

Higit sa lahat 24 oras na imo-monitor ng PCG ang biyahe ng barko sa mga Vessel Traffic Monitoring System sa Maynila, Batangas at Cagayan de Oro City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply