PCG: Sitwasyon sa mga pantalan normal pa

BAGAMAT dagsa na ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa mga pantalan sa Maynila para sa Semana Santa ay nanatli pa ring normal ang sitwasyon sa araw na ito.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), marami nang dumarating na pasahero sa Manila at South Harbor sa Port Area, Manila.

Inaasahang dadagsa pa ang mga pasahero sa mga susunod na araw.

Nabatid na maraming mga barko na rin ang naka-skedyul na bibiyahe sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaugnay nito, tiniyak ng PCG na patuloy ang kanilang pagmamanman at pagbabantay sa paligid ng mga pantalan maging sa mga barko at bagahe ng mga pasahero upang makaiwas sa anumang aberya o aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply