PCIJ officials ipina-subpoena ng depensa

HINILING ng kampo ng depensa sa impeachment court na isyuhan ng subpoena ad testificandum et duces tecum ang mga opisyal at crew ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Sa anim na pahinang request ni dating associate justice Serafin Cuevas, dapat aniyang paharapin sa paglilitis si Malou Mangahas, director ng PCIJ, Karol Ann Ilagan, research director at ang cameraman o crew nito na kumuha ng video na may titulong “who shall cast the first stone?” na may kaugnayan sa istorya ng “Supreme Court Justice, Ombudsman, House keep SALN secret” na inilagay sa kanilang website noong nakaraang Enero 10.

Ayon kay Cuevas, naniniwala si Corona na ang testimonya nina Mangahas, Ilagan at ng cameraman ng PCIJ, kasama ang mga dokumento at video nito ay magpapatunay na walang willful omission sa entries sa SALN.

Ipinasusumite kay Mangahas ang mga kopya ng SALN na binanggit sa kanyang news report na may titulong “SALN: Good Law, Bad Results” na nai-post sa PCIJ website nitong March 14.

Gayundin ang kopya ng mga SALN na pinagbatayan sa storya na may titulong “great filers, big barries” na ipinost sa website nitong March 15.

Dapat din umanong bitbitin ni Ilagan ang lahat ng dokumento at iba pang ebidensya na magpapatunay sa kanyang istorya noong March 14, na itinatago ng mga kongresista ang kanilang SALN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply