PCIJ off’l di na haharap sa impeachment court

HINDI na ipatatawag ni Presiding officer Juan Ponce Enrile si Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) executive director Malou Mangahas para tumestigo sa impeachment court alinsunod sa kahiligan ng depensa.

Magugunitang hiniling nitong Lunes, Marso 19 ng depensa sa impeachment court na i-subpoena si Mangahas para tumestigo kaugnay ng mga nakalap na statement of assets liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno para ikumpara sa SALN ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Nauna nang sinabi ng senador na hindi na kailangan pang iprisinta ang SALN ng ibang government officials sa paglilitis dahil hiwalay na kaso ang kinahaharap ni Corona.

Plano sanang iharap ng depensa ang SALN ng ibang government officials upang patunayan sa hukuman na naging kalakaran na ang hindi pagdeklara ng acquisition cost sa bawat ari-arian sa halip ay fare market at assessed value lamang tulad ng kinukwestyon sa kaso ni Corona.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply