PCOS machines tablado sa ex-Comelec chief

TABLADO kay dating Commission on Election (Comelec) Chairman Christian Monsod ang paliwanag ng Smartmatic na naiayos na ang lahat ng kapalpakan sa precinct count optical scan (PCOS) na nauna nang binili ng komisyon upang gamitin sa susunod na halalan.

Sa panayam matapos ang pagdinig ng Senate committee on electoral reforms nitong Huwebes, sinabi ni Monsod na hindi siya kumbinsido na naiayos na ng Smartmatic ang mga kapalpakan sa PCOS machines na nangyari noong 2010 national elections.

Ayon kay Monsod, makikita ang ganitong sitwasyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa sumusunod ang Smartmatic sa maraming probisyon na itinakda ng new election code hinggil sa paggamit ng automated election sa bansa.

Tinukoy ni Monsod ang 30 “compensatory points” na inilatag ng Automated Election Law bilang tagapangalaga sa tunay na resulta ng halalan na dapat ginawa muna ng Smartmatic bago gamitin ang PCOS machine sa susunod na halalan.

Sinabi pa ni Monsod na kung hindi mailalagay sa sistema ng PCOS machines ang safeguard features na nakatakda sa batas, hindi maisasagawa ang paga-awdit sa resulta.

Agad namang pinabulaanan ni Cesar Z. Flores ang paratang ni Monsod sa pagsasabing hindi kailanman naikompromiso ang accuracy at security ng resulta ng halalan.

“The system is auditable, secure and accurate. But of course we are more than willing to work with Comelec in fine tuning the machine.  As of today, the machine has shown that they are secure, auditable and accurate. In fact all the recounts have shown every time the ballots are counted compare to the voting machine results are accurate,”  paliwanag ni Flores na dumalo din sa pagdinig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply