PDEA ilabas n’yo ang katotohanan (2)

ITULOY natin ang talakayan ukol sa tatlong pulis na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency sa umano’y pagkakaroon ng shabu na nakalagay sa bote sa malapit sa Philcoa, Quezon City at pawang kaanib ng maimpluwensiyang relihiyon.

Sa text message na ipinadala ni Gen. Magsino sa inyong lingkod ay nakasaad dito na “naka-detain sina SPOI Omar Inomis, PO2 Clifford Fagsao at PO1 Simon Masangya sa Camp Karingal. Under custody ni P/Supt.  Ronnie Montejo.”

Tinanong ko uli  si Gen. Magsino kung  bakit pinakawalan ng PDEA ang tatlong pulis gayong may nakuha umanong shabu na nakalagay sa bote at ang sagot nito ay “walang shabu na nakuha, kung meron ‘di na sila makalalabas …tuloy sila sa kulungan.”

Gen. Magsino, Sir, hindi po totoo na ang tatlong pulis ay naka-detain sa Kampo Karingal kundi sa Batasan Police Station 6 ng QCPD kung saan ay hepe itong si Supt. Montejo at nasa Intelligence Unit naman ang tatlong gagong mga pulis.

Sinasabi niyo na wala kayong nakuhang shabu sa mga pulis, pero bakit niyo sila dinala sa inyong tanggapan sa NIA Road? Kung totoong walang ebidensiyang nakuha ang PDEA sa tatlong QCPD pulis, sa tingin nyo kaya sasama ang mga ito sa inyo nang maayos?

Palagay ko lalaban ng barilan sa inyo ang mga ito pero dahil may nakuhang shabu sa bote sumama sila nang maayos sa inyo.

Sinasabing naglagay ang mga pulis sa mga taga PDEA ngunit ang labis na ipinagtataka ng mga pulis ay kung bakit dinala pa sila sa tanggapan ng PDEA sa NIA Road sa Brgy. Pinayahan,  Quezon City.

Sa ibang salita, na-release ang tatlong pulis QC na walang  kaso at kung walang nangyaring cashunduan ay posible ring mag-file ng kaso ang  tatlong pulis laban sa mga taga-PDEA ng kasong arbitray arrest.

Napag-alaman ng Lily’s Files na ang tatlong pulis na sina  Ino-mis, Fagsao at Masangya ay pawang kaanib sa relihiyon nina Supt. Montejo at QCPD Director Mario Dela Vega kaya inarbor nila ito sa PDEA.

Kaya naman pala  lumalakas ang loob ng  mga tao o pulis na kaanib ng maimpluwensiyang relihiyon dahil kinakanlong sila ng kanilang mga opisyal.

Eh papano naman po yung hindi  kaanib? Sagot ng mga ito: eh di “nganga.”

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 0915-5683000 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply