PDEA ilabas n’yo ang katotohanan

MAY naganap nga bang cashunduan sa pagitan ng mga operatiba ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa 3 kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) na naaresto sa loob ng presinto o sadyang  inarbor ng isang mataas na opisyal ng QCPD ang kaso at ang  mga pulis na sangkot?

Noong  nakalipas na Pebrero 28 ay nagkaroon ng buy bust operation ang mga operatiba ng PDEA sa parking lot ng isang food chain sa may Philcoa sa lunsod Quezon  at naaresto ang tatlong pulis na pawang mga kaanib ng  isang ma-impluwensiyang relihiyon.

Nakumpiska sa tatlong pulis ang shabu na nakalagay sa isang bote at ang katuwiran  naman ng  tatlong  naarestong pulis ay gagamitin daw nila  ang nasabing shabu sa kanilang drug operation.

Kung totoo ang alibi ng mga gagong pulis na sina SPOI Omar Inomis, PO2 Clifford  Fagsao at PO1 Simon  Masangya na ang  nakumpiskang shabu ay gaga-mitin sa kanilang drug operation ay lalong mas mali dahil gagawin nila itong tanim sa kanilang prospect.

Nakalulungkot lang isipin na ang mga ganitong uri ng pulis  na ating pinasusuweldo ng malaki ay siya pang  magdadala ng kahihiyan at magpapahamak sa mga taong wala namang kinalaman sa droga kundi  para lang gawing palabigasan.

Sinasabing dinala raw ang tatlong ungas na  pulis sa tanggapan ng PDEA  sa NIA Road  ngunit ang nakapagtataka dito ay kung bakit ini-release ang mga pulis na walang kaukulang kaso.

Sinikap ng Lily’s Files na makuha ang panig ni PDEA-Regional Office NCR Chief, Ret. General Pedrito Magsino, upang malaman kung totoo ang tsismis na kumalat na umano’y naglagay ng malakaing halaga ang mga pulis  o  inarbor ng isang mataas na opisyal ng QCPD ang  nasabing  mga pulis.

Sa text message na ipinadala ni Gen. Magsino sa inyong lingkod ay nakasaad dito na  “naka-detain sila  sa Camp Karingal . Under custody ni P/Supt.  Ronnie Montejo”.

Tinanong ko uli  si Gen. Magsino kung  bakit pinakawalan ng PDEA ang tatlong pulis gayong may nakuha umanong shabu na nakalagay sa bote at ang sagot nito ay “walang shabu na nakuha, kung meron ‘di na sila makalalabas …tuloy sila sa kulungan.” Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply