Pera ba para sa Pasay o sa bulsa?

BUONG akala ng mga taga-Pasay City ay makahihinga na sila ng maluwag at matitighaw na ang kanilang uhaw sa matinong pamumuno nang iluklok nila sa city hall itong si Mayor Tony Calixto. ‘Yun pala’y pahirap lamang ang kanilang mapapala.

Hindi na nga naman mabigyan ng tama at sapat na suporta ng administrasyong Calixto ay nagagamit pa sila sa pagkakamal ng maraming pera ng kanilang mayor na nangakong magbabago ang buhay ng mga Pasayeño kapag siya ang namuno sa lungsod.

Ang masakit, nito  nalalaman na lamang ng taumbayan na pagkakaperahan umano pala ang inaasikaso ng kanilang mayor dahil ito palang planong pagpapalawak ng reclamation area sa Manila Bay na sakop ng Pasay ang priority ng punong-lungsod.

At bakit kamo pagpapalawak ng reclamation area?

E bakit naman hindi, alam na ngayon ng mga taga-Pasay na malaking pera ang involved sa project na ito, “Goodwill Money” na dagdag kita daw ng lungsod?

Weh! Hindi nga?

Talaga bang para sa lungsod ng Pasay ang diskarteng ito ni Meyor Tocalix?

Kasi’y duda ang kanyang mga kababayan sa mga pangyayaring ito na mukhang nakikita nilang parami nang parami ang kayamanan ng alkalde.

Isinusulong at ipinaglalaban na nga ang Writ of Kalikasan para mapigilan ang pagpapalawak at pagtatambak ng Pasay sa reclamation area dahil apektado naman ang karatig-bayan nito kapag may dumating na bagyo.

Kailan kaya sisimulan ni Yorme ang proyektong ito na siya lamang umano ang makikinabang at hindi ang kanyang nasasakupan?

Dahil oras na maaayos ang hinahangad na ito ni Meyor Tocalix, tiyak na marami nga siyang pera, marami naman ang nakaabang sa kanyang demanda.

Ayon sa ilang residente ng Pasay na nakausap natin, ilang panahon na lamang at tuluyan na silang mag-aaklas laban sa kanilang alkalde dahil sa hindi nito pagbibigay-halaga sa kanilang mga ibinigay na mahalagang boto rito nitong nakaraang halalang 2010.

Mister Meyor Calixto, Sir, delikado na pala ang kalagayan mo riyan sa city hall, kapag isang araw ay mag-rally na sa tapat ng opisina mo ang mga kababayan mong hanggang ngayon ay naghahanap ng tunay at tapat mong serbisyo.

Baka isang araw ay magulat ka na lamang na hindi na pala ikaw ang nakaupo sa meyor’s office dahil pinababa ka na ng iyong mga constituent.

Ingat lang sir, huwag masyadong magpahalata na may pagawaan ka ng pera. Hehehe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply