Pera ng druglords kumikilos vs BuCor chief

“PAGHIHIGANTI” ng mga sindikato ng iligal na droga ang itinuturong nasa likod ng walang humpay na ‘demolition job’ sa media laban kay Bureau of Corrections Director, Gaudencio Pangilinan.

Sa paunang resulta ng imbestigasyon ng BuCor sa nasabing isyu, aabot sa daang milyong piso kada taon ang kalakalan ng droga, partikular na ang “shabu,” sa loob mismo ng NBP.

Sa pag-upo ni Pangilinan bilang bagong NBP director noong Hulyo 2011, pinaigting nito agad ang kampanya sa pagputol sa talamak na bentahan ng iligal na droga kung saan noong nakaraang Enero, nasabat ng mga NBP jailguard ang may 300 gramo ng shabu at isang .380 caliber pistol, habang tinatangkang ipuslit
ang mga ito papasok sa NBP.

Ayon pa sa NBP officials, ang droga at armas ay nakuha sa brigada ng ‘Sigue Sigue Sputnik’ kung saan kinilala ang isa sa mga lider na isang Mar Alejandro.

Bagaman inilipat na sa San Ramon penal colony sa Zamboanga, patuloy pa rin ang bentahan ng droga sa loob ng Bilibid.

Aabot sa P80,000 kada gramo ang bentahan ng shabu sa loob ng ‘Munti,” halos 40 beses ang presyo kumpara sa P5,000 kada gramo na “street price” nito.

Sa ganitong presyo, sinabi ng mga BuCor officials na hindi malayong umabot sa daang milyong piso kada taon ang kinikita ng mga sindikato ng droga sa loob pa lang ng NBP.

Natukoy naman ang “Rose Galo” drug syndicate bilang isa sa “suppliers” ng shabu na pumapasok sa NBP at isang “Ibrahim” na umano’y miyembro ng “Batang City Jail” tagabenta nito.

Sa mahabang panahon, matagumpay umano ang naging operasyon ng sindikato sa loob ng NBP dahil na rin sa tulong ng isang opisyal na alias “Macky.”

Si “Macky” ay opisyal na dating may sensitibong puwesto sa NBP. Habang isinasagawa ang tahimik na imbestigasyon sa lawak at lalim ng bentahan ng droga sa Munti, ipinag-utos ni Pangilinan ang paglipat ni Macky sa isa sa isang penal colony na nasa hurisdiksyon ng BuCor.

Sa pagkabuwag ng operasyon ng nasabing sindikato at patuloy na imbestigayon sa kontrobersiya na iniutos ni Pangilinan, hindi na ito nagtataka kung bakit mayroon umanong “well funded ‘smear’ job” laban sa kanya sa media.

Layunin ng kampanyang pinondohan ng drug money na masibak si Pangilinan sa kanyang puwesto.

“Malaking pera kasi ang pinag-uusapan dito; pero ang utos sa akin ng ating mahal na Pang. Aquino ay ‘linisin’ ko ang NBP at ito ang aking gagawin,” diin naman ni Pangilinan.

Kasalukuyang iniimbestigahan si Pangilingan ng Department of Justice sa samu’t-saring bintang ng katiwalian na ibinato sa kanya ni JG3 Kabungsuan “Bong” Makilala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply