Pera-pera sa kuryente

NAGKAKALOKO-LOKO ang kuryente sa Mindanao. Naghahalo ang balat sa tinalupan diyan dahil sa pesteng blak-awt at brawnawt.

Kalahati lamang kasi, Suki, ng suplay ng kuryente ang inilalagay riyan ng mga kompanya ng kuryente.

oOo

Dahil naman sa pangyayaring ito, magsasampa na ang mga taga-Mindanao ng class suit na P5 bilyon laban sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Energy, Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. National Power Corp., at iba pang ahensya ng DOE.

Bukod dito, gusto nilang magsibitiw na ang lahat ng mga namumuno sa mga ahensiyang ito. Kahit pa mga appointed pa sila ni PNoy.

“Naw na,” sabi nila.

Sabi ng mga taga-Mindanao, pawang inutil ang mga ito o kasabwat ng mga ito ang mga may gustong kumita sa pagtataas ng halaga ng kuryente gamit ang blakawt at brawnawt bilang panakot.

Dahil sa mga ito, hindi lang ang buhay at negosyo ng mga taga-Mindanao ang nasisira kundi ang kanilang mga gamit at pundar na nabubuhay sa kuryente.

oOo

Bakit  sinasabi  na  pawang mga inutil ang mga tao ni PNoy at si PNoy na rin? Alam kasi umano ng mga hangal na kukulangin ang kuryente sa lugar ngayong magtatag-araw.

Nitong nagdaang mga araw umabot sa 150 megawatts ang kakulangan ng kuryente.

Pero ang ginawa ng mga tungaw na ito ay kokontrata ng mga pribadong power barges na tiyak na dahilan para maging mahal ang kuryente.

Hindi nila inihanda ang mga barheng planta ng kuryente na pag-aari mismo ng ating pamahalaan.

Mas gusto nila ang pribado na 200 mega-watts lang ang nililikhang kuryente kaysa ang power barges ng gobyerno na 400 mega-watts ang kuryente.

Pinipilit at minamadali rin umano nilang ibenta ang power barges para sila kumita sa komisyon? P@#%*I&>.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply