Performance ni Jessica Sanchez sa American Idol inaabangan na

INAABANGAN na ng mga fans ang performance ni Filipina-American Jesscia Sanchez bukas ng umaga (Marso 15, petsa sa Pilipinas) para sa performance night ng American Idol Season 11.

Nakatakdang magpakitang-gilas muli ang natitirang 12 finalists na kinabibilangan ng sumisikat na si Jessica.

Ayon sa ilang sikat na website, puspusan ang ginagawang pag-eensayo ni Sanchez sa loob ng isang linggo.

Naging abala din si Jessica kasama ang 11 pang finalists sa pictorials at video shoot para sa commercial ng isang car company, na sponsor ng naturang singing contest.

Lalong dumami ang fans at dumagsa ang magandang papuri para sa Pinay matapos niyang awitin ang pamosong kanta ng yumaong si Whitney Houston na “I Will Always Love You.”

Sa nasabing rendition ng kanta ay umani ng standing ovation si Jessica mula sa tatlong Idol judge na sina Steven Tyler, Randy Jackson at Jennifer Lopez.

Sinabi rin ng sikat na bokalista ng Aerosmith na si Jessica ang pinakamahusay noong nakaraang linggo para sa kanya.

Bukas, umaasa ang mga fans ni Jessica na makakukuha siya ng standing ovation.

Abangan kung anong kanta ang ipanglalaban ng Pinay-American!

Ang theme ngayong linggo ay ang mga kanta na sumikat sa taon ng kapanganakan ng mga finalist.

Maraming netizen ang humuhula na posibleng hit songs nina Celine Dion at Mariah Carey ang piliin ng dalaga.

Anila, bagay daw sa boses ni Jessica ang pinasikat na kanta ng dalawang nabanggit na singer.

Well abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply