PFF Suzuki U-23 National Cup, kasado na

NAGPIRMAHAN na ng Memorandum of Agreement ang Suzuki Philippines at ang Philippine Football Federation upang muling ilunsad ang PFF Suzuki Under-23 (U-23) National Cup ngayong taon.

Ang PFF Suzuki Cup ay ang local counterpart ng AFF Suzuki Cup, ang tanyag na football competition sa ilalim ng pangangasiwa ng ASEAN Football Federation para sa mga national football teams sa Southeast Asia.

Ayon kay SPH President Satoshi Uchida, ang ‘humble yet competitive spirit’ ng mga miyembro ng Philippine Men’s National Football team, ay sumasalamin sa imahe ng Suzuki. Aniya, ang tournament na ito ay magsisilbing daan para sa maraming Filipino na magaling sa Football na maipakita ang kanilang galing at talento sa nasabing laro.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na todo-suporta ang Suzuki Philippines sa development ng local sports. Ang mga miyembro ng Philippine Men’s National Team na sumali sa SEA Games noong nakaraang taon gaya nina Joshua Beloya, Neckson Leonora, at Gerardo Valmayor III, ay bunga ng PFF Suzuki U-23 Cup.

Ang PFF Suzuki U-23 Cup ay preparasyon para sa darating na SEA Games U-23 Cup sa 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply