PH ika-115 lang sa Asian science subject ranking

IKINALUNGKOT ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano ang huling ranking ng Pilipinas sa science subject na pumalo sa ika-115 mula sa 1450 bansa sa Asya kaya’t hinikayat nito ang pamahalaan na paunlarin ang naturang asignatura.

“Sa kabila nang maraming panahon ang ginugugol ng ating estudyante sa science subject, nananatiling mahina ang ating ranking kumpara sa bansa sa rehiyon,” ayon kay Cayetano.

Tinukoy ni Cayetano ang pag-aaral na ginawa ng South East Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) na nagsasabing umaabot sa 1,100 minuto kada linggo ang inilalaan ng panahon ng Pilipinas sa pag-aaral ng siyensiya kumpara sa 810 minuto sa  Brunei, 540 minuto sa Singapore at 360 minuto sa Malaysia.

Saka ikinumpara ni Cayetano ang naturang datos sa ranking ng Pilipinas sa taunang Global Competitiveness report na nagsasabing pumalo ang kalidad ng science education sa bansa sa 112th mula sa 139 bansa noong 2010-2011 at 115th mula naman sa 1542 bansa sa 2011-2012.

Ayon kay Cayetano, dapat magkaroon ng kusang-palo ang Department of Education (DepEd) base sa naturang resulta na maituoon ang kanilang atensiyon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa halip na dagdagan ang bilang ng taon sa paaralan sa pamamagitan ng K+12 program.

Iminungkahi niya na dapat rebyuhin at paunlarin ang kasalukuyang kurikula sa elementary science at math.

Aniya, kung dadagdagan pa ng bilang ng taon sa paaralan, magkakaroon ng panibagong problema ang ating mga guro at kakapusin ang limitadong yaman kung mapapaunlad ang kalidad ng edukasyon ng estudyante na nakukuha sa paaralan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply