Phivolcs: Masbate patuloy na nakararanas ng aftershocks

INIULAT ng Philippine Institute and Volcanology and Seismology na patuloy na niyayanig ng malalakas na aftershocks ang ilang bahagi ng Masbate.

Ito ay kasunod ng magnitude 5.2 na lindol kahapon (Marso 6).

Dakong alas-4:30 ngayong hapon, naitala ang magnitude 4.0 na lindol sa hilagang silangan ng Masbate City.

Kaninang umaga, inulat ng Phivolcs na lumindol din ng magkasunod na magnitude 3.0 at 2.9 sa naturang lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa serye ng mga aftershock.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply