Photographer iniligtas ng camera sa ligaw na bala

NAKALIGTAS sa kapahamakan ang isang photojournalist makaraang tamaan umano ng ligaw na bala ang camera nito habang nagko-cover ng transport caravan sa Elliptical Road, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang complainant na si Jay Delano Directo, 54, may-asawa, photographer ng Agence France Presse (AFP) at residente ng 39-B Jablot Street, Project 4,QC.

Ayon sa reklamo ni Directo sa Quezon City Police District City Hall Detachment, naganap ang insidente dakong 9:55 ng umaga kanina sa kahabaan ng Elliptical Road, sa harap ng National Housing Authority (NHA) Diliman, QC.

Sinabi sa ulat na kasalukuyang kumukuha ng litrato ang compliant sa transport caravan nang makarinig umano ito ng dalawang malakas na putok ng baril.

Matapos marinig ang naturang putok agad sinipat ng complainant ang kanyang dalang camera at nakita nito ang lente ng kanyang camera na may tama ng hinihinalang bala.

Agad namang nagpa-blotter ang complainant sa naturang himpilan ng pulisya bunga ng naturang insidente.

Hindi naman matiyak ng mga tauhan ng Quezon City police kung saan galing ang naturang bala na puminsala sa camera ni Directo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply