Pinas niyanig ng tatlong lindol sa maghapon

TATLONG lindol ang naranasan sa iba’t ibang panig sa bansa kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), huling niyanig ng magnitude 3.4  na lindol ang Baguio City, kaninang alas 3:31 ng hapon na may isang kilometrong lalim.

Kaninang umaga ng 8:51 ay naramdaman ang magnitude 3.2 na lindol sa Mati, Davao Oriental, habang 5:22 ng madaling-araw nang yanigin ng magnitude 3.1 lindol ang Torrijos, Marinduque na nasa 23 kilometro ang lalim.

Ang nasabing mga lindol ay naitalang pawang mga tectonic ang origin.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply