Piloto, Norwegian national utas sa plane crash

PATAY ang piloto at Norwegian national habang sugatan naman ang asawa at anak ng huli makaraang bumagsak ang isang private plane sa Camiguin, sa ulat ng pulisya nitong linggo.

Sa report na natanggap ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang insidente sa Barangay Baylaw, Mambajao, Camiguin Province kaninang umaga.

Kinilala ang namatay na sina Christian Cebreckos, piloto ng eroplano, at ang babaeng Norwegian national na pasahero na si Racquel Estrande, 37.

Ayon kay P/Sr. Supt. Villamor Macoy, PNP Director sa Camiguin Province, galing sa Cebu ang CESNA RP-C209 at nagtungo sa Camuigin para magsagawa ng sightseeing ang pamilya.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang piloto dahil sa malakas na hangin habang nine-negotiate ang airport ng Mambajao Camiguin.

Bukod sa mga namatay, sugatan naman ang ang asawa ni Racquel na si Lane Estrande, 36, at anak na si Jensol Estrande, 3, kapwa itinakbo sa Camiguin General Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply