Pinagtitilam-tilaman ng mga babae!

MARAMI nang nag-aabang sa bagong programa ni Marian Rivera, ang dramedy na may titulong “Tweets For My Sweets” na makikita ang kakaibang characterization niya na nagda-drama at nagpapatawa. Versatile talaga si Marian, ano?

Pahulaan pa kung sino ang magiging leading man niya. Mayroon ba kaya? Kasi, weekly show ito at maaaring iba-iba tuwing episode! Haka-haka lang namin iyon. Di namin talaga alam.

Basta tiyak masarap panoorin ito dahil tatak Marian ang programa!

000

SA Tropang Potchi bukas si Julian Trono ay magiging young kuya ng mga tsikiting doon dahil siya ang magiging tagapayo sa mga batang nag-aaway.

Dahil siya ang nakatatanda at may experience na sa buhay ay sinusunod naman siya.

Pero kaabang-abang ang iba’t ibang sceneries sa Ilocos Region na pupuntahan ng dalawang kabataan ng Tropang Potchi.

Tiyak na ang mga kabataan ay magyayaya sa kanilang parents na puntahan din sa Ilocos ang mga lugar na tulad ng desert na pinagshooting-an ng Temptation Island at ng series ng Ang Panday. Ang mga old church roon na mamamangha ka sa laki at kung paano ito ginawa. Ang mga beach rin sa Ilocos ay masarap pag-swimming-an.

000

OKAY na pala ang right knee ni JC Tiuseco. Puwede na siyang sumabak muli sa paglalaro ng basketball. Pero mami-miss na niya ang magkaroon ng soap.

Pagkatapos ng dalawang sunod na soap opera, ang Sisid at Kokak, pahinga muna si JC sa taping. Pero may pinagkakaabalahan siyang bagong reality show na produced ng Mercator. Malapit na itong ipalabas on line.

As usual, active sa iba’t ibang sports activities si JC kaya lean and sexy siya.

Marami talagang babaeng haha- nga sa kanya pero, loveless pa rin siya, ano?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply