Pinakamainit na panahon naitala sa Metro Manila

NAITALA kanina ang pinakamainit na panahon, makaraang pumalo sa 34.7 degrees Celsius ang temperatura ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Metro Manila.

Ang nasabing record ay nangyari sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-2:00 ng hapon na ayon sa paliwanag ng PAGASA ay dahil sa nahatak ng dumaang low pressure area (LPA) ang kaulapang dapat sana ay mananatili sa Luzon region.

Huling naitala ang ikalawang pinakamainit na temperatura noong Marso 8, habang ang ikatlo ay noong Marso 6, 2012.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply