Pinakamalaking kampo ng NPA nakubkob ng militar

NAKUBKOB ng 402nd brigade Philippine Army ang pinakamalaking kampo at teritoryo ng New People’s Army (NPA) sa mga boundary ng Agusan del Norte at Sur at Surigao provinces.

Base sa panayam sa radyo kay Col. Ferdinand Napule ng 3rd special forces 402nd Brigade, Philippine Army, bandang alas-2:00 kahapon ng hapon nadiskubre at napasok ng ground troops ang 400-by-300 meter na kuta ng makakaliwang grupo.

Nabatid sa opisyal na ang naturang kampo ay may anim na mga kusina, 120 mga bunkers, 30 mga outposts at mga improvised explosive device (IEDs) na pinaghihinalaang ginawa ng mga rebelde bilang proteksyon laban sa mga kaaway.

Narekober mula sa kampo ang mga assorted wires at iba’t ibang materyales na gagamitin sa paggawa ng bomba, isang generator set at mga subersibong dokumento.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply