Pinakamataas na bilang ng may HIV-AIDS naitala

INIULAT ng Department of Health (DOH) na naitala nila noong nakaraang buwan ng Pebrero ang pinakamataas na bilang ng kaso ng HIV-AIDS infection na naitala sa loob lamang ng isang buwan.

Batay sa DOH HIV/AIDS Registry,  nakapagtala ang DOH-National Epidemiology Center (NEC) ng 274 bagong kaso ng HIV-AIDS infection nitong Pebrero 2012.

Ito ay mas mataas ng 72 porsiyento kumpara sa 159 kaso na naitala noong nakaraang taon.

Nabatid na 39 sa naitalang bagong kaso ay pawang drug users na nakuha ang nakahahawang sakit dahil na rin sa pag-share ng karayom sa kapwa users na  ginagamit ng mga ito sa paggamit ng ilegal na droga.

Samantala, 24 naman sa mga bagong kaso ay overseas Filipino workers (OFW) mula sa hindi na tinukoy na mga bansa.

Ayon sa DOH, sa mga bagong bilang ng infection, 263 ang mga lalaki at 11 naman ang mga babae.

Lumilitaw din na anim sa bagong kaso ng sakit ay pawang full blown AIDS na nang maiulat at lahat sila ay lalaki.

Nakapagtala rin ng pasyenteng nasawi sa sakit noong Pebrero na nagkakaedad ng 41.

Bunsod naman ng bagong bilang ng sakit ay umakyat na ngayon sa 486 ang mga positibong kaso ng HIV sa bansa, ngayon taon lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply