Pinas handa sa tensyon sa pagitan ng NoKor, SoKor

TINIYAK ngayon ni Vice President Jejomar Binay sa mga Pilipino sa South Korea na nakahanda ang Pilipinas sakaling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan nito at ng North Korea.

Si Binay ay kasalukuyang nasa Seoul upang dumalo sa 2012 Nuclear Security Summit bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kanyang pakikipag-diyalogo sa mga manggagawang Pinoy at mga may-asawang Koreano, sinabi ni Binay na may inilalatag na mga hakbanging ang pamahalaan, partikular na ang Department of Foreign Affairs (DFA), upang matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan sa naturang bansa.

“Nakahanda po ang ating embahada para sa worst case scenario,” paniniyak pa ni Binay sa mga lider ng Filipino community sa Seoul.

Batay sa datos ng DFA, umaabot sa 50,000 overseas Filipino worker (OFW) ang nasa South Korea, hindi pa kasama ang mga Pilipinang may asawang Koreano.

Nananawagan din ang Presidential Adviser for OFW Concern sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang panalangin upang hindi na lumala ang sitwasyon sa pagitan ng North at South Korea.

Ikinalungkot din ni Binay ang plano ng Pyongyang na maglunsad ng missile sa susunod na buwan (Abril), sa kabila ng umiiral na United Nations resolution na nagpapahinto dito.

Aniya, bagama’t mahirap maghaka-haka sa magiging epekto ng paglulunsad ng missle sa satellite, inatasan na ng Aquino government ang mga lokal na pamahalaan na maghanda sa posibleng epekto nito.

Umaasa rin si Binay na hindi itutuloy ng North Korea ang paglulunsad ng missile.

Maging si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ay nauna nang nagsabi na hindi katanggap-tanggap ang binabalak na missile launch ng North Korea.

Umapela rin si Del Rosaro kay North Korean leader Kim Jong-un na sundin ang UN Resolution 1874 at 1718 na nanawagan sa paghinto ng missile launch.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply