Pinas hinog na sa malakas na lindol

HINOG na sa malakas na lindol ang Pilipinas.

Ito ang ibinabala ngayon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum kasabay ng isinagawang simultaneous earthquake drill sa buong bansa kasama ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ng Manila City Disaster Risk Reduction Management Council.

“The Philippines is really overdue for a strong earthquake, it happened last Feb 6 but that will not be the last,” ani Solidum.

Lubha umanong hinog na ang Pilnas sa posibleng paglindol na may malakas na intensity at bawat rehiyon, bawat lalawigan sa bansa ay may kanya-kanyang earthquake scenario.

“Earthquakes that happened in the Visayas will not affect much Mindnao or Luzon, therefore each region, each province, every community in the Philippines must prepared and must continue to do this earthquake drills.

Nabatid pa sa isinagwang sabayang earthquake drill, na patuloy ang isinasaagwang pag-aaral ng NDRRMC kabilang na paggalaw ng west valley fault na tinitiyak na makaaapekto hindi lamang sa Metro Manila kung hind maging sa mga kalapit na lalawigan.

Base umano sa pag-aaral na ginagawa, ang mga scientists ng Phivolcs at Geosciences Australia sa west valley fault ay lumalabas na may mga palatandaan na ng mga fault sa ilang bahagi ng Metro Manila kaya base umano rito ay napakalahaga ang pagsasaagwa ng mga earthquake drill upang maging handa ang mga taga-Metro Manila sa hindi inaasahang malakas na paglindol.

Nabatid pa na ang Pinas ay nakapagtala ng 19 na destructive earthquakes sa loob ng nakalipas na 14 na taon kabilang na ang 1990 Luzon earthquake at ang pinakahuling malakas na pagyaniog ay naita nito lamang nakalipas na Pebrero 6 sa Western Visaya at Mindanao.

Sinabi ni Regional DRRMC-Manila Director at Manila City Adminsitrator Jesus Marzan, na napakahalaga ng drill activity na ito dahil masusubukan kung paano gagalaw ang mga ahensya kung sakaling darating ang sakuna tulad ng lindol.

Magiging katuwang sa isasagawa pang drill ang iba’t ibang line agency ng Maynila.

Kasabay ng earthquake drill ay ang paggunita ng Fire Prevention Month at iba’t ibang aktibidad din ang isasagawa sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply